1.15.2010

Naghahangad ako ng pag-ibig na parang Pagbabago,



Naghahangad ako ng pag-ibig na parang Pagbabago,
hindi ko ito nais na perpekto.
Ang nais ko dito ay unti-unti, hakbang-hakbang
gaya ng paggapang
ng isang sanggol na natututo pa lamang maglakad
sa mga baitang papanhik.
Hindi nangangako ng kaligtasan,
kundi pag-ibig na nagtutulak sa bingit
ng mga paraan, ng mga kahulugan
na gugulo sa tiwasay at nakasanayan;
naghahanap ako ng pag-ibig sa kamalian
at pagkatuto.
Naghahangad ako ng pag-ibig,
ng mga pag-ibig,
sa mga tanong na walang kasagutan
at mga paliwanag na walang dahilan.
Hindi nagtuturo ng iisang aral.
Nananabik ako sa pag-ibig, ngunit hindi sa tamis
o sa pait, o sa pakla: pag-ibig na walang panlasa
kahit na pandinig o pandama sa lamyos ng ligaya.
Ngunit hindi isang pag-ibig na dilim
kundi pag-ibig na nanganganak ng pag-asa:
mula sa naputol sa kuko o nalagas na buhok.
May pag-ibig sa sibol sa mabatong bundok
na dinadaluyan ng mga naipong hamog
sa pagitan ng matatalim nitong sulok.

2 komento:

  1. Ok, comments. Will enumerate.

    1. The line cuts, or the end rhymes in particular. Hmmm. May fetish kasi ako si continuous lines, meaning yung hindi napuputol nang mahaba ang thought. obsessed ako sa dikit dikit na linya, tapos bumubuo ng meaning. dito, ang daming mga espasyo na sana'y pinahigpit na lang (makes sense?):

    naghahanap ako ng pag-ibig sa kamalian
    at pagkatuto.
    Naghahangad ako ng pag-ibig,
    ng mga pag-ibig,
    sa mga tanong na walang kasagutan
    at mga paliwanag na walang dahilan.

    ewan, gusto ko kaunti lang yung mga maluluwag na gaps sa tula. haha. personal bias ito, so maaring wag pansinin.

    2. the transition. gusto ko ang transition ng tula na ito, gaya ng ibang transition na nararamdaman ko sa mga tula mo. ayos ang wika mo, kasi nangungusap, hindi kimi at hindi maramot. the poem's technique is cataloging. PERO, i feel you can cut down some of the enumeration, para lang mas maging tight yung itsura at pakiramdam ng tula.

    3. the contrasts and juxtapositions and the series. hmmm. i cannot see how the contrasts and juxtapositions progress here, what order are you taking. kaya siguro hindi din masyadong tumatak yung mga imahen na meron kasi natatabunan ng isa ang isa at hindi nakakabuo ng isang concrete picture or idea. and i feel that the poem can be separated into parts, kasi para siyang jigsaw na pinagdikit-dikit. sana mas may order ang pagkakajuxtapose at pagngsi-series para mas bongga.

    4. images. muli, bilib ako sa mga imahen mo. pero masyado lang siguro ako nadadamihan at nafra-fragmentan? una may sanggol, tapos kuko, nalagas na buhok, tapos bundok, tapos hamog. so paano ang spatial reach ng tula? nasaan ang focus? yun lang naman.

    5. editorializing. ito din naman ang gusto ko sa tulang ito, kasi hindi siya kumagat sa patibong ng page-editorialize. yun kasi ang mga downside ng mga tulang may sinusulong na advocacy, nagiging editorial ang dating, which, to me, is not a good thing. it means you're forcing an insight, a belief. so ok yun. pero sana tanggalin na itong line na ito kung maari: Hindi nagtuturo ng iisang aral.

    ayun lang naman. mahusay at nakabuo ng bagong tula. yun naman, after all, ang mahalaga!

    oj

    TumugonBurahin
  2. :)

    naghahangad din.

    TumugonBurahin