11.28.2009

Bilin

ito ni tatay:


h’wag mong subukan

sirain ang baga

sa sigarilyo –

h’wag itong bisyo;

hindi ito tulong

sa buti mo,

naghahanap ka

ng ikamamatay,

sasayangin mo ang buhay.

Sabi ko sa’yo, wag na wag

mong magaya-gaya

ang ibang bata,

mukhang adik,

parang walang magulang,


habang

kanyang pinapatay

ang natitirang sindi sa nguso

ng naupos n'yang ‘boro.

2 komento:

  1. Mahusay! Ito ay aking naibigan! haha. Pero seryoso, ang galing!

    TumugonBurahin
  2. kaloka, may comment pala. salamat, joshua.

    TumugonBurahin